Mga Kabuuang Pageview

Miyerkules, Agosto 24, 2011

"BUWAN NG WIKA 2011"

Pag gunita sa Buwan ng Wika

    Sa buwan ng Agosto ay ating ipinagdiriwang ang buwan ng wika. Samut saring mga palabas ang ating nakikita mula sa iba't ibang paaralan. At kadalasan ay may mga paligsahan pa ng iba't ibang interpretasyon kung paano maiipapakita sa mga manunuod ang tunay na diwa ng ating wika. Madalas ay binibigyan kahulugan ng mga mag aaral ang buwan ng wika sa pamamagitan ng pagsasadula ng mga nangyari noong panahon na nabubuhay ang ating mga bayani,kung paanu nila ipinagtaggol at ibinuwis ang kanilang sariling buhay upang maipangtaggol ang ating inang bayan laban sa mga mananakop. Lahat ng mga nag aklas at nagtaggol sa ating bayan ay maituturing na mga bayani ngunit ilan lamang ang lubhang nakilala at namukod tangi dahil sa kanilang napakalaking kontribusyon kung bakit ating tinatamasa ang kasalukuyang kapayapaan.
    Ang buwan ng wika ay ating ginugunita upang ating maalala at ating mapagtanto kung anu-ano ang ginawa ng ating mga ninuno upang ating kamtin ang matiwasay na pamumuhay. Bilang ganti sa kanilang mga sakripisyo ay dapat atin silang ipagmalaki, ituloy ang kanilang mga simulain at ituro ito sa mga susunod na henerasyon. Atin din gamitin ang ating sariling wika sapagkat ito ang ating pagkakakilanlan na tayo ay mga "TUNAY NA PILIPINO" hindi lamang sa salita kundi maging sa ating mga gawa. =)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento